Finding Motherland: Pagsusuri sa Maikling Kuwento, “Balay sang Monyeka,” ni Alice Tan — Gonzales
Ang maikling kuwento “Balay sang Monyeka” na isinulat ni Alice T. Gonzales ay nagbibigay ng pokus sa karanasan ng babae sa kanyang lipunan, at ang mga tungkuling kanyang ginagampanan sa loob ng kanyang konteksto at pinapatunayan na lahat ng tao, anuman ang edad, etniko, o kasarian, ay may pare — parehong karapatan sa buhay at kakayahan sa pamumuhay natin sa mundong ating ginagalawan. Ayon kay Ofreneo, ang konsepto ng maikling kuwento ay magagamit sa paghahambing sa totoong buhay bilang isang metodolohiya sa pagtuklas ng natatagong ganda at kahulugan sa isang akda. Tungo sa pagpapakita ng prinsipyong pagkapantay — pantay sa pagagawa at pag-iisip ng pangunahing tauhan na si Cita mula sa maikling kuwento, nakikita sa sulatin ang perspektibo ng isang babae, ang kanyang mga karanasan sa daloy ng buhay, at ang mga detalye at kontradiksyon ng lipunang kanyang ginagalawan at kung papaano malulutasan ang mga balakid at suliranin nangyayari sa kanyang sarili bilang haciendera at sa mga taong nakapaligid sa kanya bilang isang babae. Sa pag-unawa nito, mas mabibigyang lalim ang pagsusuri sa kuwento at madidiskubre ang layunin ng pagbibigay halaga sa mga kababaihan ayon sa konteksto ng realismo.
Sa pagbubukas ng akda, pinapahiwatig dito ang pagkakaroon ng mansyon ng mga Villaruz sa baryong Tangub sa Bacolod ay ipinagmamalaki, pinaguusapan at nagiging “mansanas ng mata” ng mga taong naninirahan doon dahil sa tagalay nitong kagandahang na makikita sa labas at sa hiyas na nakatago saloob ng mansyon dahil ito ay natatangi sa ibang bahay na nakapaligid dito. Maihahambing ito sa mga implikasyon at pagkakaiba na binibigay ng lipunan tungo sa mga inibidwal na natatangi at naiiba sa iba. Para sa mga natatanging indibidwal, binibigyang pansin at ipinagmamalaki sila ng mga tao sa mga katangian nagpapabukod tangi sa kanila. Pinagtitibay ang kanilang layunin at pagtingin sa sarili tulad ng pagtulong nila sa kapwa at lipunan upang maging inspirasyon ng iba at ipaangat ang anyo ng lipunang kanyang kinabibilangan tulad ng pagtingin ng tao sa mansyon ng mga Villaruz sa kanilang baryo subalit para sa mga indibidwal na naiiba, kinukutya at hunuhusgahan ang mga taong hindi angkop sa ating lipunan katulad sa mga taong may mga kapansanan, mga taong naiiba ang kultura, lahi, o etniko, at mga taong nabibilang sa LGBT community na nakatanggap at tumatanggap hanggang ngayon ng diskriminasyon dahil hindi sila pinapahalagahan ng mga tao at tinitignan sila bilang isang maling piraso sa isang “puzzle” na makapagtatak sa kanila ng di perpektong imahen sa mata ng lipunan.
Habang tumatanda at nasisira ang iba’t ibang parte ng mansyon sa paglipas ng mga taon dahil sa kawalan ng pag — aalaga at aruga dito, dumadami din ang mga monyeka nagagawa ni Cita na may iba’t ibang laki at disenyo na nakapaloob sa mga kristal na kabinet sa loob ng bahay nila. Ito ay nagsimula nang lumipat ang pamilya ni Emil, ang kanyang nakakatandang kapatid, sa Capitolville at iniwan siya mag — isa sa kanilang mansyon at pangasiwaan ang kanilang hacienda na pinagkatiwalaan sa kanila ng kanyang ama na si Joaquin subalit napapansin ni Marit, ang kanyang katulong, na nadagdagan at nadagdagan lang ng mga monyeka sa loob ng kabinet na makikita sa linyang: “Kadamo na sining imo mga monyeka, ‘Day,” siling ni Marit. “wala na kita butangan dira sa kabinet, ho,” sa kadahilanan ng pagpupunta ni Emil sa kanilang bahay na nakainom, nagsisigarilyo at inaaway si Cita tungkol sa iba’t ibang bagay sa kanilang buhay na pinapakita ng mga talang ito:
“Natingala si Cita kon ano ang tuyo sang magulang nga gab-i na nagkadto sa mansyon, kag nakainum naman. Sining ulihi, kon magkadto si Emil sa mansyon kalabanan nakainum ini kag nagahala reklamo sang kon anoano lang.”
Ang pangyayaring makapagbibigay katibayan sa pagagawa ni Cita ng monyeka habang ang kanyang kapatid ay binibigyang siya nga mga leksyon at isinisiwalat ang mga pagkakamali ni Cita sa mga desisyon na ginawa at mga aksyon na hindi dapat nanyari ay pinapakita ng mga talang ito:
“Nakibut man si Cita sa nabatyagan niya nga kaisug. Nagaturisturis na ang gansilyo sa iya kamot. Sa likud sang iya pensar may nagasiling nga dapat amat-amat na niya hugton pakadto sa hawak ang bayo sang monyeka, pero wala niya ginsunod. Tan-awon niya kon manami man tan-awon ang monyeka sa bayo nga halog ang hawak kag malip- ot ang palda.”
Itong karanasan na kinakaharap ni Cita na ginagamit ang monyeka upang ipahiwatig ang mga emosyon na kanyang nadarama tungo sa kanyang kapatid na si Emil ay makokonekta sa mga taong ginagamit ang emosyon upang makalikha ng mga obra maestra na makakapagimpluwensiya sa pagtingin ng ibang tao sa kanilang buhay at sa pagbibigay halaga sa kagandahan sa mga likhang sining tulad ni Marit, Esperanza, at ang Kapitana sa maikling kuwento tungo sa pagbibigay ng mga positibong tugon sa likha ni Cita kahit na ito’y bunsod ng mga emosyon namumutawi sa kanyang puso at isipan araw — araw lalo na sa kanyang nadarama sa pag — aaway nila ng kanyang kapatid. Ang paggamit ng mga emosyon tulad ng galit bilang ating kaibigan ay nakakabuti sapagkat ang mapanghimagsik na galit ay hindi madaling pigilan at sumasabog na lamang. Kaya, ang mga tao ay madalas na nalulungkot sa loob ng isang bulkan at binubuga ang mga damdamin ng basta — basta na hindi nila pinag-iisipan ng maigi na nakakaapekto at makakaapekto sa iba. Subalit, ang pagtanggap at pagkilala ng galit ay napupunta sa isang mahabang paraan upang maiwasto ang pagkakasunod-sunod nito. Katulad sa paglipat ng mga sa karahasan na natamo ni Van Gogh o iba pang mga pintor na nakaharap ng iba’t ibang karahasan sa kanilang buhay, ginagamit nila ito upang ipahayag ang isang paglalakbay ng pagtuklas sa kontesto ng sining na nadadala ang emosyon ng mga taong nakakakita nito.
Isang istorya ang mahahambing sa kung papaano ginamit ni Cita ang emosyon upang makapagbigay ng pagbabago sa buhay sa kanyang sarili at sa ibang tao. Si Atira Tan, isang founder ng Art2Healing Project, ay nagpupursigeng iligtas at bigyan suporta ang mga batang naging biktime ng child trafficking sa Asya, ay namahagi ng kanyang kuwento kung paano niya ginamit ang galit at abuso na kanyang nakikita sa kanyang buhay. Ginamit niya ang galit bilang determinasyon patungo sa positibong pagbabago ng buhay ng mga tao gamit ang kanyang adbokasiya sa kanyang pamumuhay. At tulad ni Atira Tan, natutuklasan ng isang tao na may potensyal silang maging malikhain gamit ang pagbibigay ng ibang perspektibo patungo sa pagtingin sa galit na kanilang nadadarama tulad ng ginawa ni Cita sa paglikha ng kanyang mga magagandang monyeka.
Sa mga pag — aaway ni Cita at Emil na nagaganap sa kanilang mansyon, may natatagong kuwento at pinanggalingan itong pangyayari na nauugnay sa haciendang kanilang pinamamahalaan at mga hamon na kinahaharap ng magkapatid ukol sa pagbaba ng presyo ng asukal sa kanilang baryo, mabagal na pagtakbo ng kita sa hacienda, at sa paghahanap ng mga solusyon sa mga utang natatanggap. Sa kagustuhan ni Emil at ng kanyang asawa na makaahon sa unti — unting paghihirap ng kanilang bahay at kagustuhan lumipat ng bahay, ibinenta niya ang kanyang parte na halos biente ektaryas ng katubuhan sa hacienda at ginawa ang mga gawain na magbibigay liwanag sa kanyang paghihirap at mga plano sa buhay na hindi kasama si Cita na makikita sa talatang:
“Matapos ni Emil mabaligya ang iya parti sa hasyenda, nagbakal sia gilayon sang lote kag human na nga balay sa Capitolville kag nagkuha sang bag-o nga awto para sa iya pamilya. Ang nabilin nga kantidad iya ginpamayad sa iya kautangan kag ginkapital sa pagpadamu sang iya mga manok nga de rasa nga iya ginabulang kag ginapamaligya man. Bisan ginpilit sia ni Emil nga magpuyo na sa Capitolville, wala si Cita mag-upod, kag wala man sia gin-agda sang iya bayaw.”
Dahil dito, mag — isang pinamunuan ni Cita ang Hacienda Paz subalit bilang titser sa high school ang kanyang trabaho na nakatuon lamang sa pagbibigay at pagbabahagi ng aral at pagpapahalaga sa mga estudyante, wala siyang kaalam — kaalam sa pagtatakbo ng isang negosyo na minana ng kanyang magulang sa kanya kahit na hindi tinuruan kung papaano ang sistema sa paghawak ng kanilang hacienda kaya, kumuha siya ng isang engkardo na nagngangalang Ruben kung saan siya ay anak ng engkargado ng kaniyang ama at siya ay nakapagtapos ng kolehiyo sa kursong Komersyo. Si Ruben ang unang pinagkakatiwaalan ni Cita pagdating sa pagpapalakad ng Hacienda Paz.
Subalit, ang mga paraan at pagtanggap ng papel at responsibilidad nina Emil at Cita sa paghawak ng mga problemang hinaharap nila ay isang kakulangan sa edukasyon tungkol sa pera at negosyo at ang mga krisis na nakakasalubong nila dahil sa iba’t ibang puwersang pang — ekonomiya tulad ng implasyon, utang, at buwis na natatanggap. Sa realidad, tayo man ay mayaman o mahirap, edukado o walang pinag — aralan, bata o mga nakakatanda, nagretiro o nagtatrabaho, lahat tayo ay gumagamit ng pero. Nagpapatunay ito na ang pera ay may napakalaking epekto at kinakailangan sa ating buhay. Ika nga ni Kathryn Morgan, “Kung hindi tayo magigising bilang isang bansa, at simulan ang pagiging responsibilidad para sa ating edukasyon sa mga bagay katulad ng pera, at turuan ito sa ating mga anak, tayo ay mapupunta sa isang malaking pinsala dulot ng tren na puno ng mga sakuna.” Ang kahalagahan ng pinansyal na edukasyon ay maihahambing sa isang laro na Monopoly kung saan kung mayroon ka ng isang berdeng bahay, makakuha ng $ 10 bawat upa. Kung mayroon akong tatlong bahay sa parehong ari-arian, nakatanggap ako ng $ 50 bawat buwan sa upa. At upang manalo sa laro ng monopolyo, kailangan mong mamuhunan para sa daloy ng salapi at hindi sa mga kapital na kita. Sa pag — aalam ng pagkakaiba sa daloy ng salapi at kapital na kita ay mahalagang aral para matamo ang tagumpay sa iyong negosyo. Sa ibang salita, ang pinansyal na edukasyon ay maaaring maging simple tulad ng isang laro pero makapagbibigay ng pinansyal na seguridad kahit na may mga krisis na kinakahaharap. Ito ang problemang pinapakita sa konteksto nina Emila at Cita, ang pagiging ignorante ng kanilang mga magulang na bigyang ng sapat na kaalaman at kasanayan sa kung gumawa ng tama at maling desisyon sa paggamit ng pera at sa mga epektibong paraan ng pagpapalakad ng Hacienda Paz lalong lalo na kung may mga krisis na kinahaharap ito.
Ang sistema ng edukasyon ay hindi idineklara upang ang tao ay mag — isip ng kanilang sarili o maging malaya sa pagsunod ng mga gawain na gusto natin dahil hanggang ngayon, ang sistema natin ay sumusunod sa “Prussian Model” kung saan tinuturuan ang mga tao na sundin at gawin ang mga tuntunin at desisyon ng iba at nanatili sa mga bagay na hindi kinakailangan at walang epekto sa pagganap ng iba’t ibang papel sa hinaharap. Ito’y nagreresulta ng kawalan ng sapat na kaaalaman sa mga larangan na makapagbibigay ng magandang buhay at makapagiimpluwensiya sa paraan ng pag — iisip at paggawa ng aksyon sa buhya tulad ng mga problemang pinansyal na kinahaharap nina Emil at Cita na nag — udyok sa kanila na sumuko na lamang sa pamamagitan ng pagsunod sa mga lumang patuntunan tulad ng pagbebenta ng mga ari — arian upang mabili ang mga pangangailangan sa buhay tulad ni Emil at umasa sa mga eksperto na makakatulong sa kanila na iligtas ang mga suliranin na dapat sila ang magbibigay ng mga solusyon sa iba’t ibang puwersang pang — ekonomiya tulad ni Cita. Kaya, isa sa mga pinapakitang paalala ng maikling kuwentong “Ang Balay sang Monyeka” na ang ating ekonomiya ay hindi magbabalik kung ano ang nangyari noong panahon, kundi nagbabago at magbabago, maging positibo o negatibo man ito. Ngunit, sa paghahanda ng ating mga sarili at paggawa ng mga paraan sa paharap ng pagbabago sa ating ekonomiya, sa tulong ng ating pagtutuklas at pagsisikap makatuto ng pinansyal edukasyon, tayo ay magiging epektibo sa paglalahad ng mga opsyon at desisyon na makapagbibigay ng matatag na kita sa buhay at matalinong pagmamalakad sa mga negosyong mayroon tayo.
Maliban sa iba’t ibang puwersang pang — ekonomiya nagdudulot ng suliranin sa Hacienda Paz at paghihirap ni Cita sa paghahanap ng mga solusyon para hindi mapinsala ang pangalan nila bilang mga Villaruz sa Negros, dulot ng paglugi ng kanilang negosyo, mayroon din ipinakilala ang balita kina Marit at Cita noong Agosto na nagsisilbing pangunahing sanhi ng kawalan ng trabaho sa mga hasyenda at ang paggutom ng mga pamilya sa Negros na makikita sa talatang:
“Sobra ang gutom karon nga Agosto sa mga hasyenda sa Negros. Tiempo muerto, kon tawgon ini nga panahon nga wala sing trabaho sa mga hasyenda, hambal sang manugbalita. Nangin ulo sang mga balita sa bilog nga pungsod, pati na sa luwas sang pungsod, ang gutom sa Negros. Wala sing obra sa kampo kag wala sing paaliwansan ang mga tawo nga trabaho. May mga tawo sa mga hasyenda nga nagakapulak lang sa sobra nga gutom bangud wala gid sang makuhaan sang pagkaon. Amo ini, hambal sang manugbalita, ang pinakalala nga gutom nga nag-agi sa Negros.”
Ang tiempo muerto na binanggit sa maikling kuwento ay nangyayari sa Negros Occidetal taon — taon dahil ito’y ay nanagsisilbing patay na panahon sa mangkok ng asukal sa Pilipinas, isang panahon sa pagitan ng pagtatanim at pag-aani ng tubo kung saan naaapektuhan lahat ng mga magsasaka at ang kanilang pamilya kung saan kukuha ng ng panggastos sa pang araw — araw na pangangailangan tulad ng pagkain at tubig sapagkat ang kanilang mga sahod ay bumubaba at halos P130 nalang ang kinikita para sa isang lingo at naghihintay na lamang ng tulong mula sa gobyerno kahit na hindi sapat ang binibigay nila. Mayroong 300,000 manggagawa sa isla ng Negros ang nakakaranas nito. Isang tunay na kuwento ang ibinahagi ng isang magsasaka, nagngagalang Conrado Silang kung saan ang pagsasaka lamang ang kanyang nalalaman mula pagkabata at ginagawa upang mabuhay siya at makapagbigay ng mga pangangailan ng kanyang pitong anak. Ayon sa kanya, “Mawawalan na kami ng trabahong ganito, kaya magpuputol na kami ng ganiyang mga kahoy, uulingin namin yan, ‘yun ang aming hanapbuhay. ‘Pag talagang walang wala na, eh ‘di maghahanap kami kung saan may construction naman. Kaya lang ngayon hindi na ako pupwede dahil 48 na ako, kailangan 40 pababa. Talagang nadaos ang krisis sa amin, kami nakain na lang minsan ng lugaw para lang ‘di masyadong magutom ang mga bata.” Mga daga, palaka o ahas na pinakuluan lamang sa tubig ng may halong asin ang minsan kinakain ng mga magsasaka. Ang mga lalaki ay nagsisimula na magtrabaho sa edad na 13 or 14 na taon gulang upang makatulong at makakuha ng kahit maliit na sahod, basta may makain lang sila. Nagpapatunay lamang ito na ang agrikultura, lalo na sa mga plantasyon ng tubo, ay ang isa sa “pinakamasamang uri ng child labor” na tinukoy sa International Labor Organization Convention №182. Nagpapatunay lamang ang mga kaganapan ito ay nagpapakita na habang tumatagal ang panahon, nananatiling mahirap ang mga magsasakang Pilipino na naapektuhan ang asawa at mga anak nila na sumisimbolo sa talatang:
“May mga tawo sa mga hasyenda nga nagakapulak lang sa sobra nga gutom bangud wala gid sang makuhaan sang pagkaon. May ginpakita nga hitsura sang mga trabahador nga ginagutoman — mga lalaki nga maniwang kag malapsi nga nagasalalop ang mga mata sa ila bagul, mga babaye nga arikutoy nga nagahumlad sang kamot sa pagpangayo, mga bata nga nagahibi sa gutom, kag ang katapusan amo ang laragway sang bata nga babaye nga tuman kaniwang kag nagatindog sa kilid sang kampo nga natamnan sang tubo, ang iya mga mata nagapamangkut kag nagapangayo sang sabat.”
Tulad ni Cita, hindi makakawala ang mga haciendero at haciendera sa Negros Occidental sa mga epekto ng tiempo muerto sa kanilang negosyo at minsan, lumilipat mula sa pagtatanim ng asukal sa pagtatanim ng iba’t ibang pananim na nagsisilbing alternatibong pamamaraan upang makakuha ng kita. Ngunit, karamihan ay naghihintay lamang na lumaki ang kanilang pananim na mga tubo hanggang ito ay handa na para sa pag-ani at nagsasaliksik ng iba’t ibang paraan upang makapasustento ng kanilang mga pangangailangan araw — araw.
Ang unti — unting paglugi ng Hacienda Paz na pinamumunuan ni Cita dahil sa tiempo muerto ay nagresulta din ng pagkaapekto ng pamumuhay ng mga ibang taong naninirahan sa mansyon nang mga Villaruz lalong lalo na si Marialyn, isa sa mga katulong ni Cita, kung saan lumipat siya papuntang Manila at hindi inabisuhan si Cita tungkol sa rason ng kanyang pag — alis na makikita sa mga talatang:
“Karon nga Agosto, hinali nga naghalin ang isa niya ka kabulig nga bataon nga makadto kuno sa Manila sa pagtrabaho. Sunu kay Marit, antes ang dalagita maghalin, naabtan niya ini nga nagahibi pero namalibad ini magsugid kon ngaa. Nagapanumdum pa si Cita nga ireklamo ini sa mga ginikanan sang dalagita nga mga dumaan nga trabahador sa Hasyenda Paz.”
“Kamo diri sa balay, indi ko mapataasan ang sweldo ninyo. Ginlayasan na gani kita ni Marialyn kay nangita sang dakudako nga sweldo. Ti, ikaw na lang diri isa. Kon hinali ka magsiling nga kinahanglan mo gid magpauli, gasala kita pangita sang maupod diri sa akon.”
“Mahirap maging mahirap.” Ang pagnanais ng tao na makaahon sa kahirapan ay makakamtan lamang sa pamamagitan ng sipag at tiyaga, at hindi sa pagiging palaasa sa kapwa o di kaya sa gobyerno. Maaaring nandyan sila upang tayo ay tulungan, subalit nasa sa atin pa rin ang daan upang tayo ay umasenso at may marating sa buhay. Tulad ni Marialyn, siya nanatiling maging bulagbulagan sa mga problemang kanyang nahaharap at makuntento lamang sa maliit na sahod na kanyang natatangap kaya nagsumikap siya pumunta sa Manila upang mas madaling makahanap ng hanapbuhay na mayroon malaking posibilidad na makakaha ng sahod na makakatugon sa kanyang pangangailang at ipaangat ang pamumuhay niya at ng kanyang pamilya kahit malayo siya rito.
Sa panahon ng ating kabataan, dapat simulan ang pagiging masipag at responsable, mula sa pag-aaral, pagtatrabaho, pagkakaroon ng sariling pamilya, hanggang sa pagtanda. Ang pagpunta sa mga job fairs ng DOLE, PESO, o iba pa ay isa sa mga paraan upang makakuha ng mga aralin, pamamaraan, at opurtunidad kung papaano gawin na may kaukulang disiplina at paghahanda para sa gustong trabaho, upang matupad ang bawat pangarap na hinahangad makamtan. Sa kabila ng mga job fairs, ang pagkuha ng pagkakataon sa mga serbisyo ng employment facilitation sa publiko tulad ng labor market information (LMI) dissemination; ang online job portal na PhilJobNet; at ng mga programang pantrabaho para sa kabataan tulad ng Special Program for Employment of Students (SPES), Government Internship Program (GIP), at ang JobStart Philippines Program ay makapagbibigay sa mga taong naghahanap ng sapat na “self reliance” at mga abilidad na maglilika ng tulay at magtutungo sa kanila papunta sa trabahong kanilang gusto, maiwasan ang pagiging “unemployed,” at positibong makakatulong sa iyong sarili at sa ibang tao .
Sa ganitong yugto ng buhay, masasalamin mo sa iyong sarili na ang trabaho ay lubhang kailangan upang magkaroon ng “skills o work experience”, maging ang salaping magugugol para may panggastos sa sarili at pamilyang umaasa sa kanila. Ito ay unang hakbang para ang tao ay umunlad at may marating sa buhay. Gaano man kahirap ang maghanap ng trabaho ay sinisikap na maabot, sapagkat alam ng mga taong katulad ni Marialyn na para din ito sa mabuting hinaharap, gaano man kaliit o kalaki ang sahod, pagkakaroon ng katuturan sa iyong buhay na iyong nakukuha sa trabaho, at pagkakaron ng sapat na kita upang may panggastos sa mga kakailanganin mo. Tandaan, walang maghihirap kung tayo ay laging maghahanda at magsisikap sa buhay. Kung mahal mo ang iyong sarili at pamilya, dapat alagaan mo din ang iyong kalusugan at pinansyal na aspeto. Sa bandang huli, ikaw pa rin ang siyang may hawak ng iyong magiging kapalaran.
Sa pagbabalik sa maikling kuwento, ang pagiwan ni Marialyn kina Cita at Marit ay nagtungo sa pagkawala ng isang kakampi at boses para sa pagtanggol nila sa isa’t isa mula sa mga pagbabatikos at pagbababa ng kanilang kakayahan at mga tungkulin sa lipunan na natatanggap nila dahil sila’y mga babae lamang, para sa paggawa ng mga solusyon sa mga problemang pang-pinansiyal na kani — kanilang hinaharap, at lalong lalo na sa pagsisilbing kaagapay kay Cita mula sa mga kadenang patuloy na gumagapos sa kanya, ng kanyang kalayaan, at ng kanyang dignidad, gawa ng kanyang nakatatandang kapatid na si Emil at ng kanyang ama.
Mula sa panig at paningin ng kanyang ama at ni Emil tungo sa pagtatrato nila kay Cita sa maikling kuwento, makikita natin ang pagkulang at pagkawalan ng boses at hindi pagbibigay ng pansin ng mga kaisipan at pananaw ng mga kakababaihan sa larangan ng pamilya at lipunan. Makikita natin ang mga katangian ng lipunang kinalalagyan ni Cita sa karanasan niya bilang dalagang hinuhulma ng kagustuhan ng kanyang pamilya, sa paggawa ng mga aksyon o desisyon, pagtrabaho man ito o sa kanyang magiging kasintahan. Isang pangyayari na makakapagpatibay sa pagkontrol ng kanyang ama at ni Emil kay Cita ay noong siya’y nakipagtanan, kasama si Edward na isang accountant at ang kanyang kasintahan, papuntang bayan ng San Carlos subalit nang nalaman nina Emil at ng kanilang ama ang nangyari, sinugod nila ang kanilang bahay na may kasamang mga pulis at pinalabas na si Cita ay nakidnap ni Edward na nagresulta ng pagka-alam ng balita sa buong lungsod ng Negros Occidental na pinapakita ng mga talatang:
“Uhu? Abi mo nalipat na ako nga nagtabanay kamo sang aton accountant sang una?” Ginamitlang ni Emil sang maathag ang iya pagpanukmat, ang tagsa ka tinaga nga iya ginadagmit pagkutkot sang nagligad nga madugay na wala maistoryahan. “Kon wala ka namon ni Papa ginbawi gilayon sa iya balay sa San Carlos ambut kon ano ang inabtan mo. Bisan ang influwensya ni Papa wala makatago sang kagagahan mo, Pacita. Ang bilog nga Bacolod nakahibalo, labi na gid ang baryo.”
“Nagsugod sa pagpulon ang luha sa mga mata ni Cita. May hapdi sa gihapon ang balatyagon niya nga naangut sa kahapon. “Nagaluyagay kami sadto ni Edward, ‘Noy.” Kasubong nagapakitluoy ang iya tingug karon, may lamud sang iya pagpakitluoy sadto sang ginsubol sila nanday Papa niya kag Nonoy Emil, nga may dala pa nga tatlo ka pulis, sa balay ni Edward. Kon wala pa makapankapan sang kumpadre ni Papa niya nga isa man sa ginatrabahoan ni Edward, pasakaan pa kuntani nila sang kaso nga kidnapping si Edward.”
Ang ganitong pangyayari na naranasan ni Cita ay tunay na nangyari at nangyayari sa lipunan ating ginagalawan na tinatawag na “honor based-violence” na mauunawaan na makukuha mula sa isang pagnanais na kontrolin ang pag-uugali ng kababaihan at mga batang babae sa loob ng isang komunidad. Ang mga babaeng inakusahan ng mga miyembro ng pamilya na nagdudulot ng kasiraang-puri sa kanilang mga pamilya ay bihirang bibigyan ng pagkakataong patunayan ang kanilang kawalang-kasalanan at dumadaan sa iba’t ibang discriminasyon mula sa lipunan tulad ng ginawa ng kanyang ama at ni Emil kay Cita at ang pagtingin ng lipunan sa pamilya nila. Ito din ay makokonekta sa mga partikular na grupo ng mga kababaihan ay maaaring makaranas ng maraming uri ng diskriminasyon batay sa isang katakut-takot na kadahilanan kasama ang paraan ng kanilang pagkakilala / pagkakakilanlan at ang konteksto sa socio-ekonomiya kung saan sila nakatira. Halimbawa, ang mga kababaihan na may HIV / AIDS ay pinaniniwalaan na hinuhusgahan at kinukutya ng kanilang mga pamilya at komunidad, dahil ito ay nakapagpaliban sa sekswal at ang mga ito ay ipinapalagay na lumabag sa mga moral na paniniwala sa sekswal na aktibidad. Kadalasan, kapag ang isang tao ay kumontra ng HIV / AIDS, ang kanyang asawa at higit pa sa kanyang biyuda, ay sinisisi sa pagpapadala ng HIV / AIDS sa kanya na nagpapakita na pinapahalagahan ng tao ang iba’t ibang “norms” na nagreresulta ng pagbaba ng tingin sa mga babaeng nagkakaroon nito at dumadaan sa iba’t ibang balakid mula sa lipunan. Ang pagkakaroon ng “stereotypes” sa kababaihan ay pinalalakas at pinagtitibay ng mga tradisyunal na tungkulin ng mga kalalakihan at kababaihan na sinabi na ang kanilang batayan sa mga konserbatibong interpretasyon ng kultura at relihiyon. Ang mga karapatan ng mga kababaihan ay partikular na nanganganib sa larangan ng pamilya, at kadalasang kinokontrol ng kung ano ang pagkilala bilang mga personal na batas sa pag-aasawa at diborsyo, pangangalaga ng mga bata (at paminsan-minsan, ng mga kababaihan) at pagkakasunud-sunod pati na rin ang karahasan laban sa kababaihan sa partikular na karahasan sa sekswalidad.
Pinapakita din sa pangyayaring nito ang pagbibigay halaga sa karangalan higit sa kalayaan ng isang tao sa paraan ng pang-aapi at karahasan para makamit at umalalay sa karangalan nila na pumipigil sa mga babae na gumawa ng mga pagpipili tungkol sa kanilang sariling buhay. Pinaghihigpitan ito ng mga tao tulad ni Emil at ng kanilang ama sa pang-araw-araw na buhay ni Cita, at isang gawa ng seryosong diskriminasyon at paglabag sa mga karapatang pantao. Sa karagdagang impormasyon, ang karahasan at pang-aapi laban sa kababaihan ay isang uri ng diskriminasyon at isang madalas na nakatagong problema sa pampublikong kalusugan sa buong mundo. Hindi lamang ang babae, ang kanyang pamilya, pati na rin ang lipunan ay makakakuha ng negatibong kahihinatnan at aspeto sa kanilang pamumuhay. Ang karahasan ay nakakahadlang sa pag-unlad at nagtataguyod ng iba pang anyo ng karahasan, at pinipigilan din nito ang mga kababaihan na mabuhay sa kanilang buong potensyal. At sa panig ng mga kababaihan tulad ni Cita, alam nila na walang alternatibo kundi sundin ang mga pamantayan at panuntunan ng pamilya at ng lipunan, ngunit kung siya ay lumalabag sa kanila, maaaring pakiramdam ng pamilya na mapabagsak ang karangalan.
Ang karangalan ay hindi isang matatag na estado; ito ay maaaring mawawala o makamit. Kapag ang kahihiyan ay dinala sa pamilya, nawalan ng karangalan ang pamilya. Ang karangalan ay pinahahalagahan sa panlipunang konteksto sa mga mata ng ibang tao, at ang karangalan ay madalas na konektado sa mga lalaki, at kahihiyan sa kababaihan. Ito ay kinakailangan ipanumbalik dahil ang karangalan ay lahat at mas mahalaga pa kaysa sa buhay na patuloy na nakakaimpluwensya sa mga lipunan sa ilang bahagi ng mundo.
Sa kabilang banda, hindi nagpatalo si Cita sa mga hamon at pagtingin ng kanyang ama at ni Emil sa kanya bilang mahina, duwag, at walang alam sa pakikipaglaban, pinatunayan niya sa kanyang sarili at sa mga taong nakapalibot sa kanya ang tunay na imahe ng isang babae at ang pagbasag sa karaniwang pagtingin sa mga kababaihan noon bilang mga takot at mahihinang indibidwal na kumikilos lamang sa larangan ng pamilya sa pamamgitan ng pagsasabi ng katotohanan kanyang linilihim sa sarili nang matagal na panahon na mababasa sa talatang:
“Puta!” singgit ni Emil halos wala pa matapos sambit ni Cita ang katapusan niya nga tinaga. Sarusohon kuntani ni Emil ang babaye kag nakahakyaw na ang kamot sa pagtampa sini kon wala sa hinali ginhakwat ni Cita ang pistola kag itaya sa lalaki.
“Indi magpalapit!” singgit sang manghod. Madasig nga ginkasa sang babaye ang pistola. Nagmurahag ang mga mata ni Emil nga daw indi magpati sa nakita, nagatulotimbang kon matuod gid bala ang luthang nga nakataya sa iya. “Indi ‘ni lahoglahog nga pusil, ‘Noy. Kag wala ‘ko galahoglahog.” Nagpulon ang luha sa kilid sang mga mata ni Cita. “Gusto mo dominaron ang tanan, ‘Noy — ako, ang imo asawa, ang imo kabataan, ang mga trabahador. Pero ang imo lang kamot ang may kusog. Wala kusog ang imo dughan kag pensar. Wala ka sang prinsipyo sa pangabuhi. Ikaw ang tunay nga inutil, ‘Noy! Indi ako!”
Sa pamamagitan ng pagkikita ni Cita ng kanyang totoong damdamin tungo kay Emil, nakatulong siya sa pagpalakas at pagmulat ng mga mata ng kanyang mga kapwa Pilipino at ang posisyon ng kababaihan sa lipunan, sa loob man o sa labas ng herarkiya ng patriyarka. Alam natin na may pangangailangan para sa pagbabago: ngunit hindi dapat baguhin ang paraan patriarchal kultura traps isang pagkakakilanlan ng babae — dapat nating baguhin ang paraan ng pagkilala at pagtingin sa lahat ng kasarian tulad ng representasyon at ideolohiya ni Cita sa maikling kuwentong “Balay sang Monyeka” na nagkaroon ng isang bagong batayan ng pag-iisip tungkol sa mga relasyon, sekswalidad at pagkapantay — pantay sa lahat.